Target ng Mababang Kapulungan na maging National Government Hub ang New Clark City sa Pampanga.
Kung maging ganap na batas ang House Bill 7896 na inihain ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, ire-relocate sa New Clark City sa Pampanga ang 22 mapipiling National Government Agencies (NGAs) at 27 sa government owned and controlled corporations (GOCCs) na nakabase sa NCR.
Layunin ng panukala na ma-decongest ang NCR, mabawasan ang matinding traffic at mabigyan ng mabilis at mas magandang serbisyo ang publiko.
Sa kabilang banda, ikukunsidera din sa paglilipat sa Clark ang bilang ng mga personnel, transportasyon, accounting, payroll, human resources at mandato ng mga ahensya.
Bibigyan naman ng option ang mga empleyado na malilipat sa Clark tulad ng four-day work week, free transportation, at low-cost o long-term payment housing.
Ang mga allowances, benefits at iba pang incentives ng isang government employee ay mananatili pa rin kahit ito ay maililipat sa Clark.