Target na 1.5-M new voters, naabot na ng Comelec

Naabot na ng Commission on Elections (Comelec) ang target nitong makapagrehistro ng hindi bababa sa 1.5 million na mga bagong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pinakahuling datos ng Comelec noong January 22, umabot na sa 1,537,872 ang mga nagkapagparehistro kung saan 930,876 dito ay mga first time voter.

Mahigit 400,000 rin sa mga bagong registrants ay mga kabataang edad 15 hanggang 17.


Umabot naman sa 8,000 ang mga nagparehistro sa Register Anywhere Project (RAP) ng Comelec.

Ngayong araw, ilulunsad nila ang RAP sa tanggapan ng Kamara, sa Senado sa Lunes habang balak din itong dalhin sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Muli namang nakiusap ang Comelec sa mga nagbabalak pang magparehistro na huwag nang hintayin ang deadline sa January 31.

Facebook Comments