Nalagpasan na ang 2-M international travellers na naitala ng Department of Tourism (DOT) mula ng buwan ng Enero, kasalukuyang taon.
Sa datos na inilabas ng ahensiya, aabot sa 2,002,034 na international tourist arrivals mula hanggang ngayon buwan ng Mayo at nalagpasan na nito ang nasa 1.7 million tourism arrivals na target ng DOT noong 2022.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang pag-abot sa naturang bilang ng mga international tourist arrivals sa bansa ay dahil sa matinding suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa muling pagbangon ng tourism sector ng ating bansa mula sa pagkakalugmok nito noong nagdaang pandemya.
Samantala ang naturang bilang ng mga international travellers ay sa South Korea na may pinakamalaking bilang na tumungong dayuhan sa bansa na may 24.35 percent habang sinundan ito ng Estados Unidos na may 17.62 percent habang pangatlo naman ang Australia na may 5.12 percent at Canada 4.92 percent at pang lima naman ang Japan na may 4.86 percent.