Connecting bridge ng LRT-2 at LRT-1, sarado sa mga pasahero

Naglabas ng abiso ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na hindi muna madaraanan ang connecting bridge ng LRT-2 at LRT-1.

Partikular ang connecting bridge mula Recto Station papuntang Doroteo Jose Station.

Ito’y matapos na madamay ang nasabing walkway sa nangyaring malaking sunog sa Oroquieta Street sa Sta. Cruz, Maynila.


Matarandaan na dahil sa nasabing insidente, nasunog ang itaas na bahagi o ang bubungan ng connecting bridge ng LRT-2 at LRT-1 habang ang screen sa gilid nito ay nasira din.

Paalala ng LRTA sa mga pasahero, sa ibaba o sa kalsada muna dumaan habang isinasaayos pa ang naturang tulay.

Wala rin naman abiso kung hanggang kailan matatapos ang pagsasa-ayos kung kaya’t humihingi ng pang-unawa ang LRTA sa publiko.

Facebook Comments