Target na 200 million vaccination ni US President Joe Biden sa kanyang 100-days sa pwesto, naabot!

Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kaniyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa COVID-19.

Ang nabanggit na bilang ay doble pa sa initial goal na 100 million vaccinations sa loob ng 100 araw na panunungkulan nito sa pwesto.

Bunsod nito, tinawag ni Biden na isang “incredible achievement” para sa Amerika ang nangyari.


Samantala, upang mas makahikayat pang magpabakuna, ibinahagi ni Biden na magiging available na ang tax credits sa mga employers na babayaran ang kanilang mga empleyado na umabsent para magpabakuna.

Facebook Comments