Target na 397,000 na matuturukan ng COVID-19 booster shot kada araw, hindi pa naaabot ng DOH

Malayo pa sa target na 397,000 ang naitatalang daily COVID-19 booster shot turnout ng Department of Health (DOH).

Ito ang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa paglulunsad ng “PinasLakas” vaccination program sa Pasig City Sports Complex kahapon.

Ayon kay Vergegire, pumapalo pa lamang sa 185,000 booster shots per day pa lamang ang naitatala nila o katumbas halos 50 percent.


Dahil dito, plano nila muling ilapit pa lalo sa publiko ang bakuna sa pamamagitan ng mga caravan.

Batay sa huling datos ng DOH, nasa 16.2 milyon pa lamang ang nakakatanggap ng first booster shot habang 1.2 million pa lamang sa second booster.

Facebook Comments