Mababa ang naging turnout ng ikatlong round ng dalawang araw na National Vaccination drive na isinagawa noong nakalipas na Feb. 10 at Feb. 11.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergiere na ito ang pangunahing dahilan kung kaya’t pinalawig pa hanggang Feb.18, 2022 ang malawakang bakunahan ng pamahalaan.
Ani Vergeire, aabot lamang sa 1.3M mga indibidwal ang naturukan ng anti COVID-19 vaccine sa nagdaang dalawang araw na National Vaccination Drive na napakababa kumpara sa target nilang 5M na mababakunahan.
Malaking porsyento parin ng mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna ay yung mga senior citizens.
Kasunod nito, sisikapin ng pamahalaan na magbahay bahay upang mabakunahan ang mga nakatatanda at mapaliwanagan sila hinggil sa benepisyong hatid ng bakuna.