Full operational capacity, ipatutupad kapag nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang NCR

Tiniyak ng Department of Health, na pahihintulutan na ng gobyerno ang full capacity sa mga establisyemento at mga pampublikong transportasyon sakaling mailagay na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergiere, na base sa protocols na sinusunod ng bansa kapag nasa Alert Level 1 na ang isang lugar, otomatikong mawawala na yung mga umiiral na restrictions sa lahat ng business establishment at public transport system.

Subalit mahalaga parin ani Vergiere, na nasusunod ang mga minimum health standards upang mapanatili ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.


Giit pa nito, kailangang makasanayan at maisabuhay ng bawat isa ang laging pagsunod sa mga health protocols kahit wala nang restrictions sa mga pupuntahan lugar daan sa tinatawag na new normal

Facebook Comments