Kumpiyansa ang administrasyong Marcos na mapapababa nito sa 9% ang poverty rate ng bansa pagdating ng 2028.
Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng paglikha ng mataas na antas at de-kalidad na trabaho at pagpapabuti ng social protection system.
Ito rin aniya ang magbibigay-daan upang matugunan ang epekto ng mga hindi inaasahang krisis at kalamidad.
Ang 9% na targeted poverty rate ay bahagi ng Philippine Development Plan 2023-2028, na nagtatakda ng eight-point program at plano ng gobyerno sa susunod na anim na taon.
Matatandaang nasa 18.1% ang poverty incidence ng bansa % noong 2021 o katumbas 19.99 milyong mahihirap na Pilipino, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).