2 LALAKI, HULI SA POT SESSION

Timbog ang dalawang lalaki habang nakatakas ang iba pa nilang mga kasamahan matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa Brgy. Anao, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Romy at alyas Marko, kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa PNP Cabagan, bandang alas 11:00 ng gabi noong ika-13 ng Nobyembre 2022 nang salakayin nila ang bahay na venue ng pot session.

Narekober sa pinangyarihan ng “pot session” ang isang pakete ng hinihinalang shabu, anim na lighter, tatlong plastic pipe, isang aluminum foil, labing walong piraso ng empty sachet na may mga residue ng hinihinalang shabu, isang used sachet na may residue ng hinihinalang Shabu, dalawang test tube, isang digital weighing scale at cash na pitong libong piso (P7,000).

Hinala ng kapulisan na posibleng may bentahan din ng iligal na droga sa lugar dahil sa mga perang narekober sa operasyon.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga nakatakas na indibidwal samantala mahaharap naman ang dalawang nadakip sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Facebook Comments