Target na gawing drug free workplace ang mga hotels, restaurants, bars, condo at subdivisions – ipatutupad na rin

Manila, Philippines – Oobligahin na rin ng Philippine Drug Enforcement Agencies (PDEA) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) sa buong bansa na magpasa ng ordinansa para sa pagpapatupad ng safe and drug free environment sa mga pook pagawaan at business establishments.

Ito ay matapos ilunsad ng PDEA ang advocacy program na layong isulong ang isang drug free workplace sa loob ng hotels, bars, restaurants, condominiums, subdivisions at mga warehouses.

Bahagi ng programa ang pagtuturo sa kanilang mga empleyado sa masamang epekto ng illegal drugs at pagsasailalim sa random drug test.


Maging ang mga may-ari ng mga business establishments ay dapat ding bigyang kaalaman sa pagtukoy sa mga potential drug laboratories, drug dens at drug warehouses.

Ang Quezon City ang napiling pilot implementation site ng programa at inaasahang ipapatupad din sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila at sa buong bansa.

Facebook Comments