TV ads ng mga kandidato sa mga airport, sisilipin ng Comelec

51

Manila, Philippines – Mino-monitor din ng Comelec ang TV ads ng mga kandidato sa mga paliparan sa mga lalawigan.

Ito ang tiniyak ni Comelec Spokesman James Jimenez kasunod ng report ng ilang netizens hinggil sa political advertisements ng ilang national candidates sa TV screens sa ilang airport sa mga lalawigan.

Nagpaalala rin si Jimenez na bawal maglagay ng campaign materials sa mga sasakyan na pag-aari ng gobyerno.

Ang tanging pinahihintulutan lamang ng poll body ay ang paglalagay ng posters sa mga pribado at pampublikong sasakyan basta at tiyakin lamang na tama ang sukat nito.

Facebook Comments