Tiniyak ng isang eskperto na hindi mababago ang target na herd immunity sa bansa sa kabila ng pagpasok ng Delta variant.
Ayon kay Infectious Disease Expert at Vaccine Expert Dr. Rontgene Solante, nananatiling 70% ng populasyon sa bansa ang target na mabakunahan laban sa COVID-19 bago matapos ang taon.
Kahit pa aniya may presensiya ng Delta variant sa bansa, hindi ito malaking factor para baguhin ang target vaccination.
Kumpiyansa naman si Solante na walang masyadong epekto ang Delta variant sa bisa ng mga bakuna sa bansa.
Nanawagan din ito sa publiko na magpabakuna na para maproteksyunan ang sarili at komunidad laban sa virus.
Facebook Comments