Manila, Philippines – Naabot ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanilang target na isang bilyong pisong kita.
Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer, mahigit sa P1 billion ang kinita sa pagpapalabas sa walong entries ngayong araw.
Nagpasalamat din ang opisyal sa lahat ng tumangkilik sa 2018 MMFF.
At sa mga hindi pa nakakapanood, maaari pang humabol hanggang ngayong araw.
Sa ngayon, nangunguna sa box office ng “Fantastica” nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez; at ang pumapangalawa sa takilya na “Jack em Popoy: the Puliscredibles” ni Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto.
Ilan pa sa mga kalahok na pelikula ay ang “Otlum,” “Aurora,” “Mary, Marry Me,” “the girl in the orange dress,” “One Great Love” at ang big winner sa gabi ng parangal na “Rainbow’s Sunset.”