Target na koleksyon ng BOC sa buwan ng Oktubre, nalagpasan na

Lumagpas ng higit P11 bilyon ang kita ng Bureau of Customs (BOC) o 18.6% na mas mataas mula sa target nitong koleksyon na P63.7 bilyon sa buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batay sa ulat ng BOC, nakakolekta ang nasabing ahensiya ng gobyerno ng kabuuang kita na P75.5-B nitong buwan ng Oktubre sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Kung ikukumpara ang koleksyon ng BOC na P56-B noong Oktubre 2021 at P75.5-B sa parehong panahon ngayong 2022, lumaki ang kita ng P19.6-B kung saan tumaas ito ng 35 porsiyento.


Mula Enero hanggang Oktubre, nakakolekta ang BOC ng P714.3-B cumulatively na mas mataas sa target na P602.8-B.

Kung ikukumpara rin ito sa nakaraang taon, mas tumaas ng 37% o P188.9-B ang nakolekta ng BOC.

Tiniyak naman ng BOC na patuloy ang kanilang isinasagawang kampanya laban sa mga revenue leakage, korapsyon, at smuggling habang mas pinapadali naman nila ang proseso rito.

Kaugnay nito, pinaprayoridad rin ni Commissioner Ruiz ang modernisasyon ng programa sa BOC para sa mas maayos na serbisyo.

Facebook Comments