Manila, Philippines – Umaalma si ACT Rep. Antonio Tinio sa target ng gobyerno na makakolekta ng sobrang buwis.
Ayon kay Tinio, nasa P130 Billion lamang ang nais na ma-recover ng pamahalaan pero gustong makakolekta ng gobyerno ng P230 Billion na kita mula sa ipapataw na expanded VAT sa ilang mga produkto at serbisyo gayundin ang excise tax na plano ding ipataw sa langis at mga sasakyan.
Giit ni Tinio, direktang matatamaan nito ang mga ordinaryong tao na siyang papasan ng mga dagdag na buwis.
Dagdag ng kongresista, ang dapat na gawin ng gobyerno ay ayusin ang koleksyon at parusahan ang mga korap na opisyal na siyang dahilan ng mababang kita ng pamahalaan.
Pinaaprubahan din ni Tinio ang lowered income tax na posible aniyang gawin kahit walang mga dagdag na VAT o excise tax.
Mismong ang DOF aniya ang nagsabi na nagawang makakolekta ng pamahalaan ng P300 Billion sa loob lamang ng ilang taon na pagsasaayos ng koleksyon.
Facebook Comments