74.89% na voter turnout ang naitala ng Comelec sa nakalipas na halalan.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nangangahulugan ito na nakamit nila ang kanilang target na 75%. Aniya, umaabot pa sa halos 1.7 million na mga boto mula sa Pilipinas at ibat ibang mga bansa ang bibilangan ng National Board of Canvassers.
Mahigit isang milyon dito ay mula sa Jones, Isabela kung saan ginaganap ang special elections ngayong araw sa limang polling precincts doon.
Kabilang din sa mga bibilangan pa ang mga boto mula sa Japan, Saudi Arabia, Washington DC at Abuja sa Nigeria.
Facebook Comments