Posibleng taasan pa ng Pilipinas ang target population para maabot ang herd immunity laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega, mula sa 70 percent ay maaaring iaakyat na ito sa 100 porsyento upang mapigilan ang community transmission laban sa iba’t ibang COVID-19 variants.
Ipinaliwanag ni Vega na ang 70 percent na unang target population ay para lamang sa original strain ng virus.
Sa ngayon, isa sa panibagong binabantayan ang Omciron variant na idineklara ng World Health Organization bilang variant of concern pero wala pa nitong naiitalang kaso sa bansa.
Samantala, hanggang December 4, nasa higit 37 milyon indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Facebook Comments