Cauayan City, Isabela-Umabot sa 5,517,523 doses ng bakuna ang naiturok sa Pilipino sa buong bansa simula noong nagsimula ang vaccination roll-out.
Ito ang masayang ipinagmalaki ni Usec. Ramon Cualoping III ng ianunsyo nito sa Tipon-Tipan ng PIA Region 2 ang pagtaas ng kapasidad ng national government sa target population sa usapin ng pagbabakuna.
Ayon sa opisyal, nasa ika-33 pwesto ang Pilipinas mula sa 196 na bansang may maraming naturukan kontra COVID-19 at pangalawa naman sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa nakalipas na pitong (7) araw aniya ay aabot na sa isang milyong doses ng vaccine ang naiturok na o tinatayang 850,000.
Kaugnay nito, nasa 3.8% population ang naturukan na subalit malayo ito sa target na 70% pero umaasa ito na makakamit ang herd immunity bago matapos ang taon.