Target supply ng pamahalaan, hindi sapat para maabot ang herd immunity ng WHO; Data analysis sa mga COVID-19 vaccine, dapat isapubliko.

Dapat makita rin ng publiko ang datos ng pag-aaral ng mga bakunang pangontra sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo kasunod ng inilabas na joint statement ng Russian Health Ministry na 95% na ang effectivity rate ng ‘Sputnik V’, batay sa data ng kanilang ikalawang clinical trial.

Sa interview ng RMN Manila kay Dr. Bravo, karapatan ng mga Pilipino na makita ang data analysis ng mga aaprubahang gamot ng pamahalaan upang mapawi ang pangamba ng publiko.


Samantala, inihayag ni Dr. Bravo na hindi sapat ang target supply na 50 million COVID-19 vaccines ng pamahalaan para maabot ang “herd immunity” na itinatakda ng World Health Organization.

Paliwanag nito, dalawang doses ang kinakailangan ng isang tao at kung 50 million doses lang ang target ng pamahalaan, 25 million lang mula sa 110 milyong Pinoy ang mabibigyan ng bakuna.

Batay sa WHO, kung 65% hanggang 70% ng populasyon ang mababakunahan, maabot nito ang herd immunity o ang population immunity kung saan kaya nitong maprotektahan ang populasyon ng isang bansa.

Facebook Comments