Pabor sa pamahalaan ang pagsasagawa ng targeted testing sa halip na isailalim sa COVID-19 test ang lahat ng mga Pilipino.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagsasagawa ng test sa lahat ay hindi kasing epektibo di tulad ng targeted testing.
Kailangang strategic ang testing dahil nakadepende ito sa exposure.
Dagdag pa ni Roque, ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng testing sa medical at economic frontliners, maging sa mga taong mayroong sintomas at mga nagkaroon ng exposure sa COVID-19 case, na sagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Pero aminado si Roque na kailangan pa ring magbayad ng 300 pesos na minimal fee para sa test.
Ang risk-based testing strategy ay ang pagsasagawa ng test sa ilang sektor, tulad ng health workers at mga mayroong sintomas o nagkaroon ng contact sa may COVID-19 case.
Matatandaang hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na paigitingin ang testing efforts nito para agad na matukoy ang mga nahawaan ng virus.