Tariff adjustments, hindi ipatutupad ng Manila Water at Maynilad

Nilinaw ng Metropolitan Waterworks & Sewerage System (MWSS) na hindi magkakaroon ng tariff adjustments sa mga bill ng tubig ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. hanggang Setyembre.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, walang adjustment sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) para sa dalawang concessionaire sa ikatlong quarter.

Dahil dito, patuloy na ipatutupad ng Manila Water ang FCDA na 48 centavos per cubic meter, na katumbas ng 1.69 porsyento sa 2020 average basic charge nito na 28.52 pesos per cubic meter.


Facebook Comments