TARIFF WAR | Trump Administration, nakatakdang patawan ng tariff o buwis ang 1,300 na produkto mula China

Amerika – Inilabas na ng Estados Unidos ang listahan ng mga produkto mula China na papatawan ng tariff o buwis sa pagpasok ng mga ito sa Amerika.

Aabot sa 50 billion dollars ang halaga ng mga produktong galing China na ganti ng US dahil sa pagnanakaw umano ng China ng mga trade secret mula sa mga software, patent at iba pang teknolohiya.

25 percent ang nakatakdang ipataw na buwis sa mga produkto na karamihan ay ginagamit sa aerospace, technology, machinery, medical equipment at iba pa.


Dahil dito marami ang nangangamba na magkakaroon ng tariff war sa pagitan ng US at China lalo na’t sinabi ng China na tatapatan nila ang pagpapataw ng Amerika ng karagdagan buwis sa kanilang mga produkto.

Facebook Comments