Inaprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA board ang pagtatapyas sa taripa ng imported na bigas hanggang 2028.
Sa Malacañang press briefing, iniulat ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na sa ilalim ng Comprehensive Tariff Program, mula sa 35%, ay ibababa na sa 15% ang taripa sa bigas para makamit ang target na P29 hanggang P39 na kada kilo ng bigas para sa mahihirap na Pilipino.
Ang pagtapyas aniya sa taripa ay inaasahang magdudulot din ng pagbagal ng inflation, na magreresulta para maibsan ang mataas na presyo ng bigas sa mga palengke.
Tiniyak naman ni Balisacan na hindi maaagrabyado ang local rice sector sa ibababang taripa sa imported rice, dahil daragdagan naman ang pondo para sa domestic production.
Facebook Comments