Manila, Philippines – Ilulunsad ng Inter Agency Council Traffic ang Task Force Alamid.
Layon nito na tutukan ang problema sa trapiko sa Metro Manila ngayong holiday season.
Base sa datos aabot sa 2.4 bilyong piso ang nalulugi dahil sa traffic kayat inutusan ng Executive of Secretary ang Department of Transportation na ayusin ang nasabing problema.
Sa pamamagitan ng mga traffic enforcer mula sa ibat-ibang ahensya , babantayan ang ang choke point sa Metro Manila at karatig na lalawigan tulad ng Cavite Laguna, Bulacan at Rizal.
Lumalabas na 77 araw mula sa buwan ng Oktobre hanggang Disyembre tatagal ang operasyon ng oplan seventy seven.
Ito ay para ayusin ang trapiko kasabay ng kaliwat kanang sale sa mga mall at pagbabakasyon.
Facebook Comments