Task Force ASF, Binuo sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Bumuo na ng Task Force ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na tututok sa pagpasok ng anumang uri ng hayop, mga karne at frozen foods sa Lalawigan.

Ayon kay Ret. P/Brig.Gen Jimmy Rivera, Taskforce Commander ng binuong Anti-African Swine Fever, mahigpit nilang babantayan ang pagpasok ng mga alagang hayop, mga process foods, karne at iba pang maaaring nagtataglay ng mga sakit ng hayop.

Hindi umano nila papapasukin ang mga ito kung walang sapat na dokumento mula sa mga kinauukulan na nagsasaad na ligtas ang mga ito sa anumang uri ng sakit lalo na kung kontaminado ng ASF.


Ayon pa sa naturang pinuno, base sa kanilang monitoring ay wala umanong dapat ipangamba ang mga mamamayan na bumibili ng karne sa mga pamilihan sapagkat ligtas at hindi pa nakakapasok ang naturang sakit ng mga alagang baboy sa Isabela.

Ang Taskforce ay binubuo ng mga tauhan mula sa Provincial Veterinary Office, Department of Agriculture, Provincial Public Safety Office, NMIS, PNP, GSO, at iba pang mga sangay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Executive Order number 25-A ni Governor Rodito Albano III ng Isabela.

Facebook Comments