Nagpasalamat ang pinuno ng Task Force Bangon Marawi sa suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos umapela ang Pangulo sa Commission on Audit (COA) na irekonsidera ang report nito ukol sa 5 million pesos na pondo sa Marawi rehabilitation na ginamit sa pilgrimage ng ilang Muslim sa Mecca bilang bahagi ng Hajj.
Ayon kay Task Force head, Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chief Eduardo Del Rosario – malugod siyang nagpapasalamat sa Pangulo na suportahan ang sponsorship ng task force sa 27 internally displaced persons o IDP sa Hajj pilgrimage.
Patunay aniya ito na may malalim na pang-unawa ang Pangulo sa Islamic culture at implications nito.
Ang pamumuno ng Pangulong Duterte ay tunay na nagbibigay ng inspirasyon at nagtutulak ng positibong pagbabago sa serbisyo publiko.