Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Iginiit Na Gawa-Gawa Lang Ni Senador Antonio Trillanes Iv Ang Joseph De Mesa Na Sinasa

12

MANILA – Iginiit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na imahinasyon lang ni Senator Antonio Trillanes IV ang katauhan ni Joseph de Mesa.Ito ang sinasabi ni Trillanes na nagbigay sa kanya ng impormasyon kaugnay sa bank account ng alkalde.Ayon kay Duterte, bahagi lang ito ng ‘dirty tactics’ ng senador habang papalapit ang halalan.Matatandaan na nakasaad sa isinumiteng Sworn Affidavit ni Trillanes nang nagtungo ito noong Lunes sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Julia Vargas Branch, na ang isang Joseph de Mesa umano ang nagsiwalat sa kanya ng tagong yaman ng alkalde sa nasabing branch at sa iba pang bangko.Iginiit ng senador na mapagkakatiwalaan ang kanyang source na nakuha ang mga dokumento hinggil sa mga transaksiyon ng Davao mayor mula sa isang kamag-anak na nagtatrabaho sa ahensya ng pamahalaan na nag-iimbestiga sa ill-gotten wealth ng mga government officials.Pero ayon kay Duterte, hindi niya kilala si de Mesa na ayon kay Trillanes ay dati daw na supporter ng alkalde.

Facebook Comments