Hinimok ng Government Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform o Task Force Core ang Senado na simulan ang Public Consultations nito sa proposed Constitutional Amendments.
Ayon kay Dept. of Interior and Local Government (DILG) Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya, handa na sila para talakayin at depensahan ang kanilang proposals sa Senado.
Umani aniya sila ng suporta mula sa 256 Local Chief Executives, maging ng pirma mula sa halos 22,500 mamamayan para isulong ang Charter Change.
Nakapagsagawa na ang DILG ng Public Consultation sa 60-lalawigan.
Ang Task Force Core ay nagsusulong ng iba’t-ibang Reform Packages, kabilang ang Economic at Political Reforms.
Facebook Comments