Task Force Davao, hindi bubuwagin—AFP

Walang katotohanan na may planong buwagin ang Task Force Davao.

Ito’y sa gitna ng lumulutang na balita na bubuwagin na ito dahil sa pagiging loyalitsa ng naturang Task Force kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP PAO Chief Col. Xerxes Trinidad, walang direktiba para buwagin ang nasabing task force dahil wala namang nakikitang pangangailangan para ito ay buwagin.


Dagdag pa ni Trinidad, nagulat sila sa lumabas na balita at blanko sila sa pinagmulan nito.

Samantala, sinabi naman ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang pagpunta ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga kampo militar sa Mindanao nitong Sabado at Linggo ay para sa humanitarian missions at kumustahin ang lagay ng tropa ng militar doon.

Facebook Comments