Task Force Detainees of the Philippines, Nagbibigay ng Pagsasanay at Pag-aaral Hinggil sa Karapatang Pantao!

Cauayan City, Isabela – Ipinaliwanag ng Task Force Detainees of the Philippines na nagbibigay ng pagsasanay at pag-aaral ang kanilang organisasyon para sa lahat lalung-lalo na sa mga lugar na may malalang datos ng paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Ginoong Vic Ubina, pinuno ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na matagal nang nabuo ang naturang organisasyon sa bansa kung saan ito ay nakapaloob umano sa asosasyon ng mga religious group.

Aniya nabuo rin ang TFDP upang tumulong at makapabgigay ng suporta sa mga bilanggong political na nalalabag ang kanilang mga karapatang pantao.


Ang mandato umano ng TFDP ay makapagdokumento o makapaglatag ng mga paglabag sa karapatang pantao maging sa karapatan ng kapaligiran at kalikasan.

Layunin umano ng organisayon na mabigyan ng pangunahing pangangailangan at kalayaan ang lahat na indibidwal para makamit ang malayang buhay.

Samantala ang Karapatan Cagayan Valley ay bahagi ng Task Force Detainees of the Philippines na nagpapamulat at nagdedepensa rin sa karapatang-pantao.

Facebook Comments