Task Force Disiplina ng Quezon City, nagpasaklolo na sa mga rider sa pagpapatupad ng health protocol sa lungsod

Humingi na ng tulong ang Task Force Disiplina ng Quezon City sa mga motorcycle rider ng lungsod.

Ito’y matapos pulungin nito ang ilang miyembro ng mga rider ng lungsod ngayong araw.

Ayon kay Dick Pelembrego, Chief Operation ng Task Force Disiplina ng QC dahil malawak ang lungsod, nahihirapan na silang magpatupad ng maximum health protocols dahil kakaunti lang ang kanilang puwersa.


Kaya naman aniya malaki ang tulong ng mga rider ng lungsod upang maipatupad ang health protocols laban sa COVID-19 lalo na sa mga lugar na tanging mga motorsiklo lang ang pwedeng dumaan.

Sumailalim na rin ngayong araw sa orientation ang mahigit 300 volunteer riders upang hindi maabuso ang pribilehiyong ibinigay sa kanila.

Umaasa naman si Pelembrego na madaragdagan pa ang nais mag-volunteer na rider sa lungsod.

Facebook Comments