Binuo ng Quezon City Police District ang Task Force Kim para matutukan ang insidente ng pamamaril sa van ni actress Kim Chiu.
Sinabi ni QCPD Director PBGEN. Ronnie Montejo na nagpadala na sila ngayon ng mga imbestigador na direktang kukuha ng statement ni Kim Chiu.
Bukod sa pinag-aaralan ang trajectory ng mga bala, kabilang din sa pangangalap ng ebidensya ang paghahanap ng mga saksi at koordinasyon sa mmda at iba pang establisyementong may cctv camera na posibleng nakakuha ng pagkakakilanlan sa mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Pero sa ngayon ay hindi kumbinsido si Gen. Montejo sa naging pahayag ni Kim sa social media na posibleng pananakot lamang umano ang intensyon ng mga suspek.
Giit ng opisyal, hindi ito maaring ikunsidera dahil kapag mayroong namaril ay malinaw na may intensyon itong pumatay.
6:00 ng umaga kanina nang makaligtas si Kim Chiu, driver nito at ang kanyang personal assistant matapos na ilang beses paputukan ang kanyang sasakyan sa kanto ng katipunan at CP Garcia Street Quezon City.