Pinabubuo na ng task force ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na mag-iimbestiga sa pangha-hack sa online banking accounts ng ilang kliyente ng BDO Unibank.
Ayon kay Senator Villanueva, kailangang matukoy kung sino ang nasa likod ng insidente upang hindi na ito maulit pa.
Ang task force ay bubuuin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Privacy Commission (NPC), at ang National Bureau of Investigation (NBI).
Sa ngayon, dalawang resolusyon pa ang inihain sa Kamara para imbestigahan ang mga hacking incidents na nanggaling kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda.
Matatandaang batay sa kumalat sa social media, bigla na lamang nag-transfer ng pera ang ilang BDO holders sa account na may pangalang “Mark Nagoyo”.
Hindi naman ito ginawa ng mga may-ari ng mga bank account na agad ikinaalarma ng marami.