Manila, Philippines – Agad pinakilos ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) para bumuo ng task force na tutulungan sa 23,000 empleyado ng Hanjin Shipbuilding Company.
Ang hakbang ni Villanueva ay makaraang magdeklara ng pagkalugi ang Hanjin.
Ayon kay Villanueva, pangunahing mandato ng bubuuing task force ay bigyan ng kabuhayan at hanapan ng malilipatang kompanya ang mga mangagawa ng Hanjin.
Diin ni Villanueva, hindi na dapat hintayin ng gobyerno na magutom ang mga manggagawa ng Hanjin at kanilang mga pamilya bago ito kumilos.
Dagdag pa ni Villanueva, mainam na ibigay na sa mga matatanggal na manggagawa ng Hanjin ang mga kinakailangang trainings o pagsasanay para mas madaling silang makahanap ng bagong trabaho.