Mahigpit na ipatutupad ng gobyerno ang Fuel Marking Program para labanan ang smuggling ng petroleum products sa bansa.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino – nalulugi ang gobyerno ng halos ₱40 billion sa revenue kada taon dahil sa smuggling.
Aniya, ang pondong ito ay magagamit sa ilang programa tulad ng pangkalusugan, edukasyon at imprastraktura.
Dagdag pa ni Lambino – ang fuel marking ay itataas ang revenue, papangalagaan pa ang environment at engine performance.
Iginiit ng opisyal na nakasasama sa makina at kalikasan ang mga smuggled fuel dahil sa mababang kalidad nito at emission levels.
Facebook Comments