Task Force on media security, kinondena ang pagpatay sa isang dating media man

Manila, Philippines – Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security ang pagpatay sa dating editor ng pahayagang Business World na si Michael Marasigan at kapatid nitong Christopher kagabi sa San Juan City.
Ayon kay Undersecretary Joel Egco, Executive Director ng PTFOMS inatasan na niya ang Eastern Police District na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagpatay upang mapanagot ang nasa likod nito.
Sa ngayon, aniya ay inaalam pa nila kung saklaw ba ng kanilang mandato ang pamamaslang o kung may kinalaman ito sa dating trabaho ni Marasigan na isang media man.
Tiniyak din naman ni Egco na gagawin ng kanyang tanggapan ang lahat upang maging ligtas ang lahat ng mga mamamahayag at kanilang pamilya.

Facebook Comments