Task Force Reach Out, inilunsad sa lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Task Force Reach Out o pinaigting na pagsagip sa mga nakatira sa lansangan.

 

Ayon kay Manila Social Welfare Office Chief Nanette Tanyag, mahalagang matanggal ang mga nakatira sa kalye dahil sa tindi ng sikat ng araw na mapanganib sa kanilang kalusugan.

 

Bukod rito, delikado rin aniya ang mga ito dahil exposed sila sa karasahan at pang-aabuso.

 

Sinabi naman ni Tanyag na makakatulong nila rito ang pulisya, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Philippine National Railways o PNR.

 

Ang tinatayang nasa tatlo hanggang apat na libong indibidwal na nakatira sa lansangan ay ihahatid sa Manila Boy’s Town sa Marikina o kaya’y tutulungang makabili ng ticket pabalik sa kanikanilang mga probinsya.


Facebook Comments