Mga pulis sa Sulu, nakatanggap ng mga bagong baril at mga bala mula sa PRO ARMM

Cotobato, Philippines – Labis ang nadaramang kasiyahan ng mga pulis sa lalawigan ng Sulu  matapos makatanggap ng mga bagong bala at pistola.

 

 

Abot sa 30,000 rounds ng ammunition ng  m16 rifles, 5,000 rounds para 9mm pistols at 32 piraso ng  glock pistols.

 

 

Ibinigay sa mga pulis ang nasabing mga bala at pistol kasabay ng pagbisita sa Sulu PNP headquarters ni PNP ARMM Regional Director Reuben Theodore Sindac.

 

 

Ang pagtungo ni Sindac sa Sulu ay may kaugnayan sa isinagawang first regional command conference and multi-stakeholder meeting kaugnay pa rin sa  kampanya ng gobyerno para lipulin  at labanan  ang terorismo.


Facebook Comments