TASK FORCE | Tututok sa isyu ng Dengue Immunization Program, binuo ng DOH

Manila, Philippines – Bumuo na ang Department of Health (DOH) ng Task Force na tututok sa mga concerns na may kinalamaan sa Dengue Immunization program.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang Task Force na ito ay partikular na tututok sa mga pag-aaral na may kinalaman sa Dengvaxia, na iaayon sa pinakahuling pag-aaral na inilabas ng Sanofi Pasteur.

Kabilang din dito ang monitoring ng mga bata na una nang nabakunahan ng Dengvaxia, na tatagal sa loob ng limang taon.


Magsasagawa rin ang Task Force ng review kaugnay sa inisyatibo ng Dengue Immunization Program noong una itong naipatupad noong Marso 2016.

Kasama rin sa tututukan ng Task Force ang pag-aaral kung paano maipagpapatuloy ang Dengue program, nang hindi na mauulit ang kotrobersiyang kinasasangkutan ng Dengvaxia sa kasalukuyan.

Bubuuin ang nasabing Task Force ng mga Department of Health (DOH) official mula sa Central Office at mga regional offices na apektado sa usapin.

Kabilang din ang mga tauhan mula sa Food and Drug Administration Philippines (FDA), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at National Children’s Hospital.

Facebook Comments