Itinatag ng 6th Infantry “Kampilan” Division ng Philippine Army ang Task Group “Bangis” kontra sa New People’s Army (NPA) sa South at Central Mindanao.
Ayon kay 6th ID Commander Major General Roberto Capulong, ang misyon ng Task Group “Bangis” ay buwagin ang Guerilla Front Musa ng NPA.
Idedeploy aniya ang task group sa hurisdiksyon ng 1st Mechanized Infantry Brigade.
Itinalaga ni MGen. Capulong bilang Battalion Commander ng Ad Hoc Task Group “Bangis” si Lt. Col. Michael Angelo Candole.
Ayon kay MGen. Capulong, ang pagbuo ng task group ay bahagi ng commitment ng 6th ID sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isulong ang kampanya kontra sa mga teroristang komunista sa kanilang area of responsibility.
Facebook Comments