Manila, Philippines – Bumuo na ang Philippine National Police ng task group na tututok sa imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa Quiapo nuong Biyernes (April 28) ng gabi.
Ayon kay Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coronel – ang Task Group Soler ay binubuo ng mga miyembro ng MPD, katuwang ang CIDG, Crime Laboratory at Intelligence Group.
Mandato ng task group na tukuyin ang mga responsable sa pagsabog at kumalap ng mga ebidensya para sa ihahaing kaso.
Sinabi pa ni coronel na wala nang kritikal o stable na ang kundisyon ng labing tatlong nasugatan sa insidente kabilang na ang isang biktima na naputulan.
Una nang inako ng teroristang grupong ISIS ang pagsabog na itinaon sa 30th ASEAN Summit ngunit hindi ito kinagat ng PNP.
Facebook Comments