TATAAS PA? | Paglabag sa karapatang pantao, posibleng tumaas pa dahil sa pagkakatalaga kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde bilang bagong PNP Chief

Manila, Philippines – Hindi na umano matatapos ang maraming kaso ng human rights violation.

Ito ang paniniwala ng oposisyon matapos na i-anunsyo ng Pangulo na ang susunod na PNP Chief ay si NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, nababahala siya na mas malala pa ang karahasan sa ilalim ng magiging pamumuno ni Albayalde kumpara sa kasalukuyang pamunuan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.


Aniya, naitala ang pinakamarahas na paglabag sa karapatang pantao sa NCR sa ilalim ng pamumuno ni Albayalde.

Kabilang dito ang libu-libong napatay na mga kabataan at mahihirap dahil sa iligal na droga, ang violent dispersal sa mga Lumad na nagprotesta noong 2016, ang dispersal sa mga jeepney drivers ngayong taon at ang palpak na operasyon sa nangyaring Mandaluyong shooting incident.

Facebook Comments