Manila, Philippines – Napipintong tumaas ang presyo ng inumin o beverages na ibinibenta sa fast-food chain na Mcdonald’s sa bansa kasunod ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay Golden Arches Development Corp. (GADC) President and CEO Kenneth Yang – kahit posibleng tumaas ang presyo ng inumin, babalansehin nila ito dahil mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng mga customers.
Sa ilalim ng TRAIN, ang mga caloric at non-caloric beverages ay may anim na piso kada litro na dagdag na buwis.
Ang mga inuming mataas sa high-fructose corn syrup, may dagdag na 12 pesos kada litro na buwis.
Facebook Comments