TATAASAN | Suweldo ng mga pampublikong guro, gustong itaas ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinaplano ni Pangulong Duterte na itaas ang sahod ng mga guro matapos itaas ang base pay ng mga sundalo at pulis.

Ang pagtaas aniya ng sweldo ng mga guro ay mapapaloob sa ikalawang bahagi ng reform package na susubukang ipasa sa unang bahagi ng 2018.


Inatasan din aniya ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management na gumawa at humanap ng mga paraan para ito ay maisakatuparan.

Facebook Comments