Tatag at husay ng mga Pinoy, tampok sa isinagawang online documentary festival

Inilunsad kamakailan ng International Center for Non-for-Profit Law (ICNL) at ng Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), ang online documentary festival na nagtatampok ng katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng mga pagsubok at iba pang hamon.

Ang ICNL na nag-o-operate sa 100 bansa sa buong mundo ay nakikipagtulungan sa civil society, mga pamahalaan at international community para tulungan ang mga tao na gamitin ang kanilang karapatan na magsama-sama, magpahayag ng saloobin at magtipun-tipon nang mapayapa.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Makati City, sinabi ng Caucus of Development NGO Networks, ang kumakatawan umano sa 1,600 non-government organizations at people’s organizations para maimpluwensiyahan ang mga pampublikong pulisiya, pangunahan ang civil society at palakasin pa ang paghahatid ng social development work sa Pilipinas.


Samantala, binigyang diin din ng mga documentary ang positibong epekto ng Civil Society Organization (CSO) sa kanilang mga komunidad at kailangang papel sa pagsusulong ng katarungang panlipunan, karapatang pantao, at pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad lalo na sa unang bahagi ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments