*Cauayan City, Isabela*- Pinasinayaan na sa publiko ang ‘Tatak Mengal Pasalubong Center’ sa Bayan ng Echague, Isabela kaninang umaga.
Pinangunahan ni Mayor Francis “Kiko” Dy at kanyang maybahay na si Jessica Gallegos Dy, Presidente ng Women Organization, Isabela 6th District Cong.Inno Dy, Ilang opisyal, mga mamamyan at mamimili upang saksihan ang pagbubukas ng nasabing pasalubong center.
Sa ekslusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Dy, araw-araw nakabukas ang naturang pasalubong center para sa mga gustong bumisita
Mabibili ang mga ipinagmamalaking produkto ng mga Magsasaka, Mengal Womens Organization gaya ng mga Soya Milk, Peanut, Siomai na Gulay, mga Souvenir, Handicrafts, mga Prutas at organikong mga gulay.
Kaugnay nito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng plastic sa nasabing bayan.
Ayon naman kay Mayor Dy, una na silang namigay ng eco-bag para sa mga mamimili upang maiwasan na ang paggamit ng plastic
Samantala, halos isang taon bago naipasa sa konseho ang naturang ordinansa para mapanatili ang kalinisan sa naturang bayan.