Tatak Pinoy bill, inaasahang magdadala ng mas maraming oportunidad sa bansa

Naniniwala si Senator Sonny Angara na magdadala ng maraming oportunidad sa bansa kapag tuluyang naisabatas ang Tatak Pinoy o Proudly Filipino bill.

Sa kasalukuyan, ang panukalang ito na isinusulong ni Angara ay nasa Plenary debates na at inaasahang mapapagtibay agad dahil kabilang ito ngayon sa mga prayoridad na panukala ni Pangulong Bongbong Marcos.

Bukod sa pagpapalakas ng mga industriya at pagtangkilik sa ating mga sariling produkto, pinaniniwalaang magiging daan ito sa pagpapalakas ng ekonomiya, magbubukas ng maraming oportunidad at magpapataas ng kita sa mga Pilipino.


Ayon kay Angara, kapag lumakas ang pagtangkilik ng bansa sa mga industriyang sariling atin, ay magkakaroon ng mas maraming trabaho, mas mataas na sahod, mas maraming negosyo, mas maganda ang kita, at magbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga lalawigan na umasenso rin ang ating mga kababayan doon.

Dagdag pa sa layong makagawa ang bansa ng mas sopistikadong at palakasin sa labas ng bansa ang ating sariling produkto, makakatulong ito para sa pagresolba ng matinding kahirapan, kawalan ng trabaho, mabawasan ang ‘rural-to-urban migration’, mababang pasweldo, at maging daan sa pagunlad.

Facebook Comments