Lolo at Lola, handa na bang maging digital? Sali na sa ‘Teach Me How To ‘Digi’ TikTok contest ng Globe

Para sa mga lolo at lola at kanilang mga anak at apo, may pa-contest ang Globe na layong turuan ang senior citizens kung paano gumamit ng mobile phone at iba’t ibang app para gumaan ang kanilang buhay.

Sali na sa “#SeniorDigizen: Teach Me How To ‘Digi’” TikTok contest! Kung may senior citizen sa inyong tahanan, ipakita sa video kung paano ninyo sila tinuturuan kung paano gumamit ng mobile phone at Globe apps, at i-upload sa TikTok!

Paano? Ganito lang ka-simple:


      Gumawa ng TikTok video kung saan ang isang nakababata ay tinuturuan ang isang senior kung paano gumamit ng mobile phone. Patok ito kung creative at may kurot sa puso ang video.

      Ang mga video ay dapat mga 30 segundo o hanggang 5 minuto lamang, may one-liner caption at naka-set sa “public” sa TikTok.

      I-tag ang @globeofgood and gamitin ang official hashtag na #SeniorDigizen. Maaaring gumawa ng maraming video pero isang beses lamang maaaring manalo.

      Dapat ay original, creative at fun ang mga TikTok video, at kailangang nasa frame ang senior citizen at ang nagtuturong nakababata.

      Gamitin lamang ang commercial sounds na maaaring gamitin ng libre sa TikTok.

      Iwasan ang foul language at ang paggamit ng ibang brand names.

      Iwasan ang pagpapakita ng violence at masamang gawain. Wholesome dapat ang video.

      Extra points kung gagamitin ang signature color blue ng Globe at iwasan ang ibang kulay na nakadikit sa ibang brands.

      Dapat sumunod sa TikTok community guidelines.

      High-resolution dapat ang mga video. Hindi tatanggapin kung low resolution, pixelated, or magalaw ang video na iuupload.

Ang mga entry ay bibigyan ng puntos base sa creativity, engagement, at overall content. Ang Top 25 na mananalo ay tatanggap ng PHP25,000 worth of Globe Group products at iba pang premyo.  Ang mga makaka-kumpleto naman ng Globe #SeniorDigizen Ambassador program ay maaaring manalo ng PHP75,000 worth of Globe products.

Ang mga mananalong seniors ay inaasahang makadadalo in person sa exclusive digital learning session ng Globe at makumpleto ang two-month #SeniorDigizen Ambassador program.

Kaya ano pang hinihintay niyo? Lapitan na sina lolo at lola at sumali sa Globe ‘Teach Me How To ‘Digi’ TikTok contest. Maaaring mag submit ng entries mula  September 10, 2023, 12 a.m. hanggang 11:59 PM ng September 30, 2023. Abangan ang announcement of winners sa Oktubre sa Globe Of Good TikTok at Globe of Good Facebook page for the exciting announcement of winners.

Facebook Comments