TATAKAS? │Isa sa mga akusado sa 6.4-billion shabu shipment, nagtangkang lumabas ng bansa

Manila, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport ang isa sa mga akusado sa P6.4 billion shabu shipment mula sa China.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na si Richard Tan alyas Chen Ju Long na nasa ilalim ng immigration lookout bulletin ay naharang sa paliparan kaninang alas-tres ng madaling araw.

Aalis sana si Tan patungo ng Shanghai Pudong sakay ng China Eastern Air Flight 5046.


Sinabi ni Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang na hindi nila pinayagan na makasakay ng eroplano si Tan at pinayuhan ito na kumuha ng allow departure order sa Department of Justice.

Si Tan ay kasama sa siyam na kinasuhan ng DOJ sa Valenzuela Regional Trial Court dahil sa shabu shipment.

Facebook Comments